Urbana at Feliza — Modesto de Castro
You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.org . If you are not located in the United States, you will have to check the laws of the country where you are located before using this eBook. Title : Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza Author : Modesto de Castro Release date : June 4, 2005 [eBook #15980] Most recently updated: December 14, 2020 Language : Tagalog Other information and formats : www.gutenberg.org/ebooks/15980 Credits : Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders from page scans provided by University of Michigan.Special thanks to Matet Villanueva, Pilar Somoza and Ateneo Rizal Library-Filipiniana Section. *** START OF ] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] PAG SUSULATAN NANG DALAUANG BINIBINI NA SI URBANA AT NI FELIZA NA NAGTUTURO N~G MABUTING KAUGALIAN KINATHÁ NANG Presbitéro D. Modesto De Castro MAY LUBOS NA PAHINTULOT MANILA. IMPRENTA Y LIBRERIA DE J. MARTINEZ Establecida el año 1902. 253 Cabildo Intramuros, 89 Escolta, 108 P. Calderón Binondo, P. O. Box 2165. ÍNDICE Página Unang sulat ni Feliza cay Urbana 9 Ang pinag aralan ni Urbana 14 Ang catungculan nang tauo sa Dios 15 Ang aasalin sa Simbahan 18 Cagagauan ni Urbana sa bahay nang maestro 20 Caasalan ni Honesto, uliran nang man~ga bata 22 Caasalan sa sarili 23 Sa escuelahán 25 Sa salitaan 29 Paraang nang pag sulat 32 Regla sa pag sulat 35 Tapat na casipagan nang bata sa pag aaral 38 Sa catungculan sa bayan 39 Pag iibigan 42 Sa piguing 45 Sa calinisan 50 Man~ga bilin ó reglang susundin sa pag cain 55 Sa pag papacial 61 Aliuan 67 Cababayán nang paquiquipag capoua tauo 70 Sa pag dalao 74 Calasin~gan 79 Ang pag iisipisip ni Feliza sa paglagay sa estado 89 Cahatolan sa dinadatnan nang pan~ganib 94 Pasasalamat sa Dios cun tumangáp nang aua 96 Aral sa m~ga ina na may m~ga anac na dalaga 97 Ang pag papacatibay nang loob 107 Cahatolan sa pag lagay sa estado 108 Pag sanguni ni Feliza sa isa niyang caibigan 119 Cahatulan sa may man~ga asaua 124 Man~ga cahatolan sa nan~gag dadalang tauo 135 Cahatolan sa m~ga magulang ayon sa paglalagay sa estado sa canilang man~ga anac 138 Santong aral nang isang magulang sa man~ga anac bago pumanao sa mundo 149 Cahatolang ucol sa pag ayon sa calooban n~g Dios 155 Paunaua sa Babasa. Cayo man~ga binata ang inaalayan co nitong munting bun~ga nang pagod, cayó ang aquing tinutun~go, at ipinamamanhic sa inyo na aco,i, pagdalitaang dinguin. Cayo,i, bagong natuntong sa pintò nitong malauac na mundó, gayac na paguitna sa mundó, ay dapat magsimpan nang gagamitin sa guitna nang mundo. Ang panaho,i, nagtutuling caparis nang pan~ganorin; at ang macaraan ay di na mag sasauli, ang maualá sa matá ay di na moling maquiquita, caya catampatan ang magsamantalá, at na sa capanahonang magtipon. Magsáquit matutong maquipagcapoua tauo, at nang di maquimí sa guitna nang caramihan, at nang di ninyo icahiya ang di carunun~gan. Ang dunong na nag-tuturo sa tauo nang pagharap sa caniyang capoua, ay bun~ga nang pag-ibig sa capoua tauo: ang pag-ibig sa capoua tauo, ay bun~ga nang pag-ibig sa Dios, caya ang na ibig sa Dios, ay marunong maquipag capoua tauo, at sacali,t, di marunong ay magsasaquit matuto; sa pagca,t, batid na ang dunong na ito ay puno at mulá nang magandang caasalang quinalulugdan nang Dios. Ang marunong maquipagcapoua tauo, ay maganda ang caasalan; palibhasa,i, nag-iin~gat, nang caniyang quilos, asal at pan~gun~gusap ay mátuntóng sa guhit nang di capootan nang Dios, at cálugdan nang tauo. Caya ang carunun~gang ito ay hiyas sa isang dalaga dan~gal sa isang guinoo, pamuti sa isang bináta, dilág at cariquitang cacambal náng magandang asal na ninihag nang puso. Cayong man~ga ina naman, na may catungculang magturo sa anac nang man~ga daquilang catotohanang pahayag nang Santo Evangelio, dapat ang cayo,i, magsaquit tumupad nitong mabigat na catungculan na ipagsusulit sa Dios. Alalahanin na ang man~ga batang inyong anac ay caparis nang búcong na un~gós sa dulo nang halaman, cayo ang may alaga nang halamanan, ay catungculan ninyo ang mag-in~gat. Pasicatan sa arao nang Santo Evangelio, diliguin nang magandang aral sa paquiquiharáp sa tauo, at pamumucadcád nang man~ga bulaclac na inyong alaga, ay maquiquita ninyong magsasambulat nang ban~go, sa guitna nang mundó na inyong pinagaalayan. Na sa capanahonan ay inyong pagsaquitan, at ang aral na ito,i, casabáy nang gatas na ipasuso sa anac, pasundan nang mabuting halimbaua, halimbauang sa inyo,i, maguisnan, at maquiquita ninyo na ang magandang aral ay maguiguing magaling na asal na di mabibitiuan cun di casabáy nang búháy. N~guni cun inyong bayaan, palac-hing salát sa aral, hubád sa magandang asal, ay capilitang ipagsusulit ninyo sa Dios, at pagdating náng panahon na sila,i, paguitna sa mundó, sa masamáng uaning sa canila,i, mamasdan, dalamhati ang inyong pupulutin, cayo ang sisisihin nang tauo, at palibhasa,i, bun~ga nang inyong capabayaan. At sacali ma,t, sa edad na labing dalaua ó labing apat na taon, sa isang Escuela, Colegio ó sa isang Maestro, sila ay mag aral, matutuhan naman ang pinag aralan, cayo,i, maniuala,t, ang magandang asal na canilang pinulot ay tulad sa hirám na damit saglit na isinoot at biglang hinubád: cauangqui nang hiyas na isinadaliri, iniuan sa suloc ay agad nalimutan: caparis nang cáyong nagcuculay dilao, na initan, nang arao, hinipan nang han~gin, ay agád cumupas, at di nacalaban sa init at bilís. Matamisin ang caunting pagod sa inyong pagtuturo, at pagdating nang panahon na pag-anihan nang inyong man~ga anac ang magandang aral na ipinunlá ninyo, ang hirap ay maguiguing toua. At cun sa inyong magandang aral, ang man~ga anac ninyong dalaga sa guitna nang pan~ganib sa mundó ay nacapag iin~gat, ang maban~góng bulaclac na canilang puri ay di nalalantá, at pag dating